Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryMay 31, '07 4:58 AM
for everyone

Masarap… masakit ang umibig.

Remember the first time?

First meeting.

First blush.

First skip of the heart.

First heartache.

Hehe… mararamdaman mo lahat nang to pag nag Math 17 ka.

Dubbed as the “most dreaded” subject, marami nang mga pangarap ang winasak ng Math 17. Ika nga sa love, kung hindi mo kinaya ang sakit… either nagpatiwarik ka na o tuluyan ka nang nabaliw for life. 

Matagal-tagal na rin akong nakipagbunuan sa Math 17. Pero kumbaga, eto talaga ang maituturing mong first love sa mga subjects na kukunin mo. Alam mo ang kasabihang first love never dies. Yes Math 17 never dies too.

Freshmen orientation pa lang naming nun, pamungad ng speaker “Good luck sa mga mag-ma-Math 17! Dahil inabot din ako ng siyam siyam bago ko yun natapos!” Shriek of terror among the audience. Tahimik lang ako. Well at least may warning na kung anong giyera ang susuungin. At humahalakhak na ang mga mata ng mga probinsyanong Math geeks na inalipusta ng mga konyong bubing sa Math kanina sa labas. Iniisip na siguro ng mga konyo “Gosh, they can’t speak proper English but they’re speaking numbers!”

Pero based on experience, 1 out of 50 lang naman talaga ang super henyo sa Math. Ganyan ang isa kong blockmate na si Paulo, exempted na kaagad sya hindi pa nagsisimula ang aming kalbaryo. And the rest of block, first day ng class will meet new (pero sa totoo lang, old) faces – yung mga previous bagsak, take 2, take 3, take forever.

Buti na lang hindi terror ang teacher namin. Basta ang rule simple lang: Ipasa ang algebra at trigo divided into 1st, 2nd, midterms, 3rd, 4th and final exams. Kahit pasang-awa or 60%, tyak tres na sa classcard. In general, kahiya-hiya ang tres pero sa Math it’s considered a grade to die for.

First exam, takot na takot kaming lahat. Eto na ang unong suong sa gyera. 1 pm ang exam namin sa Math kaya during lunchtime pa lang bumabaligtad na ang sikmura ko, di na ako makakain ng maayos. At habang nag-eexam, ano ba to… halos lahat ng numbers present sina x at y. You need to find their values or else… Kahit na ang mga familiar characters sa word problems na “ano ang kailangang speed ni Harry Potter para maabot ang snitch na may speed na 100 km/hr doon sa may intersection” hindi ka pakakalmahin. Pero take note: joker rin ang mga Math teachers ha. Kung hindi si Harry Potter ang bida sa word problem, si Winnie d’ Pooh.

At after the exam, what’s in store? Syempre, the waiting… the waiting that’s driving you out of your mind. Dahil next meeting, malalaman mo na kung ikaw ay in or out. So syempre on that big day assured na yun 1/5 of the class ay magtatalon sa tuwa dahil sila ang mga mapipiling chosen few and the rest ay mapapahandusay na lang kasabay ng mga malulutong na mura at mga threats na pasasabugin ang Math Building o “Lord bakit sa akin nangyari to?” with matching luha at tumutulong sipon. Hindi ka talaga matatawa sa sight kahit funny sya. Ganun talaga ang buhay… este ang Math 17. Buti na lang naka 81% ako first exam pa lang. And the rest para na lang syang cyle. Sabi ko nga love in disguise to e.

Pag hindi ka nakasagot sa teacher, mapapa-blush ka sa hiya.

Pag naperfect mo ang assignment katumbas na rin nun ang matamis na “oo”. Oo 100% na may tama ka!

Pag nakalimutan mo ang formula, magdasal ka na.

Pag pumasa ka sa finals, ang sarap-sarap ng gising mo sa umaga.

Pag-bagsak naman, lagi mo sya naiisip… the pain, the kirot… sa shower, sa canteen, at sa mga sandaling hindi ang crush mo ang naglalaro sa kukote mo.

After the first exam hindi ko na maalala in detail ang mga scores ko, basta pasang-awa na lang ako nung midterms. Pero ang most unforgettable experience talaga… ang araw ng bigayan ng classcards. Usually I call it a day of mourning dahil maraming mga pusong masasaktan… Sa stairs pa lang marami nang bulagta dyan sa kakahagulgol. Imagine the scenario… After “This is Spartaaaaaa” natalo kayong lahat at nagkalat ang mga putol na ulo at kamay. Gross. And then a sad music starts playing in the background. Bato na lang ang di lumuha. Parang ganun. Sa mga weak-hearted, ang failing grade ay katumbas na rin ng mga gumuhong pangarap. Kahit na gusto mo man silang batukan at pagsabihang “Math lang yan, there’s always the next sem…” Pero hindi e. Di ba pag napaso ka rin sa pag-ibig parang ayaw mo na rin buksan uli ang puso mo?

Pero at least pain makes you rooted to the ground. Si Kuri sinamahan ko pa sya dati na kunin ang grade nya at nang ipakita nya sa akin ang classcard with a tumataginting na red mark sa singko… sabi ko, “hehe okey lang yan.” But see… hindi sya nawalan ng pag-asa, nag-aral sya nang mabuti from binomial, trinomial, sin-cos-sin, trapezoid to Vance (intimate bonding moments sila day and night) at years later, milyonarya na sya (Hi Kurs asan na ang pinapa-canvass kong Canon lens?)

Alam ko… marami pa dyang Math 17 horror stories. Mga nakick-out nang college dahil sa Math 17. Mga na-dismiss sa university dahil sa Math 17. Mga na-delay at nagkaugat na nang dahil sa Math 17. Mga umakyat pa ng Baguio para doon na lang mag Math 17. Mga nag-shift na lang sa Educ para wala nang Math 17. Mga nag Math 11 at Math 14 na lang para hindi na direktang mag Math 17.

Pero sa totoo lang maiisip mo Math 17 is not just any massive ethnic cleansing. Dahil if it doesn’t kill you… it will make you stronger. Buti na lang nakapag Math 17 ako. At least nalaman ko, kaya ko naman pala lampasan ang takot. At least may isang subject pala na wala talaga kayong choice ng mga kaklase mo but to stay, get close, huddle and pray together ke langit at lupa man ang estado nyo sa buhay. 

Sabi ko nga e… pag nag-Math 17 ka para ka na ring nagmahal. Yung nga lang substitute the kilig with the nginig factor.

21 CommentsChronological   Reverse   Threaded
redeemedchild wrote on May 31, '07
hehehe....ur entry reminds me of my Math 1 and 11 days!!! Alam mo naman ako ayaw ng numero kaya di nag-aaral. Kahit nung mga entrance exams since hayskul d nagsosolve ng problems. feeling ko nun kahit 6.0 na grade d ako deserving e.Sobrang miracle ni Lord na pumasa ako sa bandang huli...
bambooshootjr wrote on Jun 1, '07
Pagpasok ko sa UP ang sabi ng student assistant sa akin " Welcome to the Jungle!" , buti na lang di ko nameet ang animal na Math 17 sa aking jungle trip. Pero God knows how often I met people who grappled wth Monster Math all throughout college, some of them perished along the way and chose to live a life of crime. Hehehe
frencelt wrote on Jun 1, '07
Pero si olive, nakapag math 53 pa yan... pumasa! nag math 54... nakuwatro na! kaya in the end sa polsci din ang bagsak nya... tinatanaw-tanaw na lang nya ang eng... at ang pangarap na maging engineer ;( at nung nasa polsci na sya.. syempre requirement rin ang math 100 d last math sa math series... inuno na nya!
kuriemari wrote on Jun 2, '07
EXCUSE ME! Hindi ako bumagsak ng Math 17. 4 lang ako then nagremovals and naging 3. God ur giving me kahihiyan here ha? Nawala antok ko after reading this. Take 1 ko lang Math 17 dude...
frencelt wrote on Jun 2, '07
EXCUSE ME! Hindi ako bumagsak ng Math 17. 4 lang ako then nagremovals and naging 3. God ur giving me kahihiyan here ha? Nawala antok ko after reading this. Take 1 ko lang Math 17 dude...
Haha buti na lang i kept u awake. Naalala ko nagpasama ka sa akin nun sa Math. Bumagsak ka hehe. Math 53 ba? Dont worry past is past. Sowi human error me sa Math 17 mo! Hoy asan na ang rekwest ko?
kuriemari wrote on Jun 3, '07
wait lang wa ako naadtunan hay napullout ko katong day 2 frankfurt. Duna adtunan ko. Promise. musta trip nyo?
frencelt wrote on Jun 3, '07
wait lang wa ako naadtunan hay napullout ko katong day 2 frankfurt. Duna adtunan ko. Promise. musta trip nyo?
basta naalala ka namin. sayang ikaw pa naman din sana ang itinatago-tagong wonder ng island.
kuriemari wrote on Jun 4, '07
really?
gratefulvaldeavilla wrote on Mar 3, '09
Kuya! Alam ko medyo luma na tong post na toh, na search ko lang sa google yung keyword na (Math17 take 3, at isa toh sa mga lumabas). Kasi currently nag mamath 17 ako ngayon dito sa UPLB. Electrical Engineering course ko. take 2 ko na toh. eh kinakabahan pa din ako, since bagsak unit 1 at 2 at midterms ko. Pero unit 3 at unit 4 exam ko la pang results (Sana pasado). Tapos baba pa ng quizzes ko. May remaining exams pa naman, Unit 5 exam(which is trigonometry, weak rin ako dyan). Then, my pre-fi pa kami sa March 20 (UNIT 3,4,5). Tapos kapag below 60 ang standing mo after taking the pre-fi, required kang mag finals then if u fail it. Bagsak na talaga wala ng removals.

Pasensya na kung napapahaba, talaga lang natotorete na ang isipan ko. Last sem, di talaga ako nag aral sa math 17( wala akong pinasang unit exam, quiz or assignment man lang, dapat i dadrop ko na yung noon eh kaya lang di ko na drop). Ngayon naman nag-aaral ako pero di kasi ako masipag mag practice ng math kaya kadalasan pag exams nahihirapan ako. Tanong ko lang kuya, kung ok lang ha? Naka ilang take ka ba ng Math 17? At ano po mapapayo nyo sa akin, in case na bumagsak pa din sa math 17 this sem. Will I continue this battle and mag take 3? Or Mag shift na lang sa course na may Lower math like 11 at 14? or the worst option for me na umalis na lang ng UP at lumipat sa ibang school at mag nursing.

HAYZ! pasensya na po talaga. Laki lang talaga ng problema ko. Pero I will really appreciate any advice na maibibigay nyo.
gratefulvaldeavilla wrote on Mar 3, '09
GOD Bless!
frencelt wrote on Mar 3, '09, edited on Mar 3, '09

ey nobelistang richard :) take 1 lang po ako sa math 17. yabang e. wala ako binagsak sa exams. mababa lang nga midterms ko. medyo nakakatakot magbigay ng advice sa u dahil hindi naman ako tatay mo, but anyhow, dapat sagutin mo to:
1. love mo ba talaga ang course mo (eng ka di ba? meron ba eng sa lb?). kung sagot mo yes. paghandaan mo talaga ang math 17. pag nag-math ka giyera ang susuungin mo. sabi ko nga sa post ko, everytime na nag-eexam ako, bumabaligtad sikmura ko... pinagpapawisan ako ng dugo. don't hurry math, may technique yan, pag-aralan mo lang mabuti lalo na ang mga word problems. dami rin kaya sa mga kaibigan ko bumagsak. pag nagsisimba kami nun sa UP chapel, pinnepray ng mga classamates ko "Lord sana pumasa na po ako sa math 17". di ka nag-iisa, ever since math 17 began, marami na syang biktima.
2. kung nahihirapan ka talaga sa math 17 at gusto mo syang ipasa... mag cross reg ka sa UP Baguio... ayun kasi sa mapagkakatiwalaan kong source... chicken lang daw ang math 17 dun. pero pag nasa baguio ka, make sure na mag-aral ka naman... baka kasi magboating ka lang or mamasyal sa mine's view, baka in the end bumagsak ka rin.
3. kung sinusuka mo na ang math 17 at kating-kati ka na talaga mag-shift. make sure na ang lilipatan mo, yung course na malapit sa puso mo.
4. nursing? may oversupply ang pilipinas when it comes to nurses. in demand kasi abroad, marami nang nagsulputan na school, e halos lahat na yata nag-nunursing. bandwagon. fad. ikaw, calling mo ba talaga mag-alaga ng mga may sakit? the work of a nurse is fulfilling and at the same time challenging, yun nga lang mataas din ang competition sa paghanap ng work dito sa pinas... pero once nakapag-abroad ka na, di malayong makapagpatayo ka ng bahay, makabili ng lupa at kotse. pwede ka na mag-asawa. average sweldo ng nurse sa pinas ay P10,000 a month. pag sa US ka na work u could earn as much as P200,000 a month.
5. lipat ng ibang school? wag mo gagawin yan! kung ako si Oble babagon ako't sasakalin kita. hehe. but really depende na rin sa yo yan. it's your dream it's ur choice it's ur life... choose wisely... make the most out of it. math 17 is one hell of a journey.

polsci grad ako, pero kung maibabalik ko lang ang panahon, sana nag HRM na lang ako. pero along the way, natutunan ko rin naman mahalin course at job ko...

sana na enlighthen ka! isipin mo na lang math 17 is just a dragon waiting to be conquered. don't lose hope. and may the force be with u.
abulovesyou wrote on Jul 20, '09
my freind just referred this blog to me.i was laughing the whole time!:)) totoo nga ang sinasabi mo sa mga probinsyanong math genius pala deep inside.freshie ako sa english studs pero plannign to shift to Econ.kailangan ko mag-math17 at lubhang natakot ako sa mga sinsabi mo=))
frencelt wrote on Jul 21, '09
my freind just referred this blog to me.i was laughing the whole time!:)) totoo nga ang sinasabi mo sa mga probinsyanong math genius pala deep inside.freshie ako sa english studs pero plannign to shift to Econ.kailangan ko mag-math17 at lubhang natakot ako sa mga sinsabi mo=))
kakayanin mo yan, mag-aral ka lang mabuti; tsaka na muna ang love :)
jeickel wrote on Aug 10, '09
nice blog entry sir, isa rin akong freshie ngayon na hemorrhage na sa Math17. I'll try my best hanggang matapos ko first sem ko.. kung tumataginting na singko ang makuha ko, I'll shift na. Wala pa kong pinapasang quiz, Unit1 is 16/60 (quite reasonable! dahil 3/41 lang ang pumasa sa klase namin), pati ata assignment bokya ko. I won't lose hope though. Pero.. alam ko hindi ko talaga linya to. I hope I pass it though, ilang libo tong lintek na 5 units na to e. :)

God bless! :)
frencelt wrote on Aug 11, '09
jeickel said

dont lose hope, marami talaga casualties ang math kamuntikan na rin ako... subukan mo pumunta dyan sa diliman learning resource center, not sure kung existent pa sya, pero nung time ko, malapit yun sa kamia. marami nagpapa tutor dyan sa math 17, mga ka peers mo rin ang magtuturo and at the same time makikinig sa problema mo habang dinudugo ka sa pag solve sa word problem.

libre mo lang sila ng kape :)
kuriemari wrote on Aug 21, '09
ey nobelistang richard :) take 1 lang po ako sa math 17. yabang e. wala ako binagsak sa exams. mababa lang nga midterms ko. medyo nakakatakot magbigay ng advice sa u dahil hindi naman ako tatay mo, but anyhow, dapat sagutin mo to:
1. love mo ba talaga ang course mo (eng ka di ba? meron ba eng sa lb?). kung sagot mo yes. paghandaan mo talaga ang math 17. pag nag-math ka giyera ang susuungin mo. sabi ko nga sa post ko, everytime na nag-eexam ako, bumabaligtad sikmura ko... pinagpapawisan ako ng dugo. don't hurry math, may technique yan, pag-aralan mo lang mabuti lalo na ang mga word problems. dami rin kaya sa mga kaibigan ko bumagsak. pag nagsisimba kami nun sa UP chapel, pinnepray ng mga classamates ko "Lord sana pumasa na po ako sa math 17". di ka nag-iisa, ever since math 17 began, marami na syang biktima.
2. kung nahihirapan ka talaga sa math 17 at gusto mo syang ipasa... mag cross reg ka sa UP Baguio... ayun kasi sa mapagkakatiwalaan kong source... chicken lang daw ang math 17 dun. pero pag nasa baguio ka, make sure na mag-aral ka naman... baka kasi magboating ka lang or mamasyal sa mine's view, baka in the end bumagsak ka rin.
3. kung sinusuka mo na ang math 17 at kating-kati ka na talaga mag-shift. make sure na ang lilipatan mo, yung course na malapit sa puso mo.
4. nursing? may oversupply ang pilipinas when it comes to nurses. in demand kasi abroad, marami nang nagsulputan na school, e halos lahat na yata nag-nunursing. bandwagon. fad. ikaw, calling mo ba talaga mag-alaga ng mga may sakit? the work of a nurse is fulfilling and at the same time challenging, yun nga lang mataas din ang competition sa paghanap ng work dito sa pinas... pero once nakapag-abroad ka na, di malayong makapagpatayo ka ng bahay, makabili ng lupa at kotse. pwede ka na mag-asawa. average sweldo ng nurse sa pinas ay P10,000 a month. pag sa US ka na work u could earn as much as P200,000 a month.
5. lipat ng ibang school? wag mo gagawin yan! kung ako si Oble babagon ako't sasakalin kita. hehe. but really depende na rin sa yo yan. it's your dream it's ur choice it's ur life... choose wisely... make the most out of it. math 17 is one hell of a journey.

polsci grad ako, pero kung maibabalik ko lang ang panahon, sana nag HRM na lang ako. pero along the way, natutunan ko rin naman mahalin course at job ko...

sana na enlighthen ka! isipin mo na lang math 17 is just a dragon waiting to be conquered. don't lose hope. and may the force be with u.
really? kung maibabalik sana nag HRM ka? but y?...
frencelt wrote on Aug 22, '09
gusto ko mag work sa amanpulo. haha.
kuriemari wrote on Aug 22, '09
ngee ganun?
learibaya wrote on Oct 30, '09
Habang gino-google ko ang "bagsak sa math17" eh natalisod ako sa blog na ito. =)) Hahaha kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Maganda ang pagkakahalintulad ng Math 17 sa pag-ibig. At sinakto mo ang mga naramdaman ko. =)) Tulad ng lagi kong naiisip ang Math17 kung hindi crush ko. Hay. Salamat, napatawa mo ako. =)) Sana kahit nga magulang nagegets to.
wengzie wrote on Mar 30, '10
grabeh...ang cool ng entry na 'to..nagreresearch lang ako sa google kung anong nangyayari sa mga taong magreremovals ng 2nd sem after nag-4 sa 1st sem ng halimaw na math 17 tapos ito yung tumamabad sa akin...hahaiz..salamat at medyo na enlighten ako...(",0..holy week na po bukas kaya medyo na-coconfuse ako kung kailan ang removals...finals kahapon ng math 17 2nd sem kaya naisip ko, baka next week pa ang removals dahil xempre, isesegregate pa ng mga teachers ang bagsak at pasado...dyos ko, trigo na lang, tapos na akong magreview...sana ma-tres ko na siya...ang galing nio po...!
eruelmalihan wrote on Jul 9, '11
i'm a new freshman..2011..at bs math ako...hahaha...i know it's really hard...kasi i know...di pa ako nag aaral...but i know..if i get so busy in practicing...i'll be a math genuis...hehehehe.....A BIG DREAM...which anyone can....GOD bless to all of us...i was really shocked lalo na sa FACTORING AND SPECIAL PRODUCTS...gusto ko kasi...long method...pero nahihirapan na ko...but God still makes the way...and i'll go through Jesus name..:)
Add a Comment